Pulis binentahan.. 3 tulak, kulong

Tatlong umano’y tulak ng ilegal na droga ang arestado sa buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas ang mga naarestong suspek na sina Christopher Criste, 25; Aldrin Robles, 31, at Basillo Castillo, 30, pawang mga residente ng Bgy. Tangos South.
Ala-1:50 ng madaling-araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Charlie SJ Bontigao ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Bgy. Tangos South, sa koordinasyon sa PDEA matapos ang surveillance operation.
Nang tanggapin ng mga suspek ang P300 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu, agad sumugod ang backup na mga operatiba at sinunggaban ang mga ito.
Narekober sa mga suspek ang 17 sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 4.2 gramo at buy-bust money.





Comments