PHIVOLCS, hindi rin ma-explain ang sunod-sunod na paglindol
Dinuduyan ng mga pagyanig ang Davao. Bakit palagi na lang Davao?
****
ANG lindol kapag sunud-sunod ay babala ng pagsabog. Sa tradisyon, isang “bulkan” ang posibleng sumabog kung saan ang sintomas ay papalakas na papalakas na pagyanig. ‘Yan ay sentido-kumon lang!
****
HINDI ordinaryo ang serye ng mga pagyanig sa Mindanao. Minsan, sa sobrang talino ng mga eksperto — nalilimutan nila ang “sentido-kumon”!
****
KAKAUNTI ang nakauunawa kung ano ang sentido-kumon. Sa Ingles, ito ay “common sense” at sa Tagalog ay “kukote”!
****
Sa espesipikong kantiyaw ng matatanda sa bopol na bata ay “gamitin ang sentido-kumon” habang ang sabi naman ng titser kong si Mrs. Cruz ng Saint Lawrence Academy ay “gamitin ang kukote!”
Kahit simple ‘yan, marami pa rin ang hindi ganap na nakauunawa ng pangungusap na “gamitin ang sentido-kumon!”
****
ANG “kukote” ay sumisimbolo sa utak. Kapag hindi ginamit ang “utak” — hindi makapagdedesisyon nang tumpak!
****
PERO sa siyensiya, ang “utak” ay kumplikadong bahagi ng tao na siyang sentro kung paano magdesisyon ang tao. Ang “utak” na tinutukoy dito ng mga matatanda ay “mag-isip nang simple” at umiwas na mag-isip ng “kumplikado”!
****
ANG side-effect ng “edukasyon” o pormal na pag-aaral sa eskuwelahan ay ang makasanayan ng tao na “mag-isip nang kumplikado”. Kapag nakondisyon ng tao na mag-isip nang kumplikado o mula sa masalimuot na proseso ng siyensiya — nalilimutan niya na gumamit ng “sentido-kumon”!
****
BALIK-TAYO sa lindol, hindi karaniwan na nagkakasunud-sunod ang lindol. Matutuliro ang mga eksperto — aaminin nilang may kakaibang dahilan ang serye ng mga lindol!
****
DAHIL kumplikado, maiisip nilang ang serye ng mga “lindol” ay maaaring bunga ng “papalapit na asteroid” sa daigdig. Kumplikado ‘yan!
****
KUNG susuriin ang aktuwal na datos at praktikalidad, simple lang ang dapat na pagtaya. Matapos ang sunud-sunod na papalakas na lindol — maaaring may “Big One”!
****
WALANG maayos at malinaw na paliwanag ang PHIVOLCS kaya marami ang nagpa-panic. Dahil d’yan, maraming lider ng sekta ang nanghihimasok!





Comments