Para sa mga ayaw ng toma pero join sa inuman... Alamin: Iba‘t ibang masasarap na inuming pamalit sa
- Jersy Sanchez
- Dec 19, 2019
- 2 min read

Kung may mga kaibigan tayo na hindi pihikan sa iniinom, ‘yung tipong kahit hard o beer ang ipainom n’yo ay go lang sila, siguradong may mga beshies tayong hindi trip ang ganitong inumin.
Kaya ngayong Holiday Season kung saan tiyak na maraming walwalan o inuman, hindi natin dapat pabayaan ang ating ‘non-alcoholic friends’.
Para sa mga magpapa-house party d’yan, narito ang ilang non-alcoholic drinks na puwede n'yong ihanda:
1. CRANBERRY LI-MEADE. Perfect na pan-tanggal-uhaw ang kombinasyon ng cranberry at lime juice, besh! Pakuluan ang tig-2 ½ cup ng tubig at asukal saka tanggalin sa heat. Pagkatapos, paghaluin ang 2-3 cups ng cranberry juice, 1 ½ cup ng lime juice, 1 kutsarang lime zest at 3 ½ cup ng tubig. Takpan at palamigin ito sa ref sa loob ng isang oras o higit pa at i-serve nang may yelo at lime slices kung bet n'yo.
2. PRETTY PINK PUNCH. Tunawin sa 3 cups ng malamig na tubig ang 2 tbsps. ng asukal saka paghaluin nang mabuti ang tig-64 oz ng cranberry, raspberry juices, 46 oz ng chilled pineapple juice at 12 oz ng frozen pink lemonade (concentrate, tinunaw). Pagkatapos haluin, puwede na itong i-serve at lagyan ng lemon slices, depende sa gusto n’yo.
3. ALL-OCCASION PUNCH. Sa isang malaking bowl, paghaluin nang mabuti ang 8 cups ng cold water at 12 oz frozen lemonade concentrate. Pagkatapos, ihalo ang 2 liters ng ginger ale o ginger-flavored soft- drink at 1 liter cherry lemon-lime soda. Ang dali lang, ‘di ba?
4. PINEAPPLE GINGER SPARKLER. Paghaluin ang 1 liter chilled ginger ale at 4 cups chilled pineapple juice at ‘yun na! Puwede n’yo itong lagyan ng yelo kapag isinerve, gayundin, thin-sliced na luya depende sa dami na gusto n’yo.
5. APPLE CIDER MOCKTAIL MULE. Upang makagawa ng isang serving, paghaluin ang ¼ cup chilled apple cider, tig-1tsp maple syrup at apple cider vinegar. Haluin ito nang mabuti saka lagyan ng yelo.
Easy lang, ‘di ba? For sure, kahit walang alcohol content ang mga ito ay mae-enjoy ng mga guest n'yo. Puwede n’yo rin itong ihanda sa parating ninyong family reunion at ipatikim kina tito at tita. He-he-he!
Anuman ang trip nating inumin, huwag tayong kill- joy (KJ) dahil siguradong may choices na fit sa atin. Enjoy lang, besh! Gets mo?





Comments