top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P2,000 dagdag-sahod sa mga empleyado ng gobyerno, installment sa 4 na taon

  • Pabs Hernandez III
  • Dec 19, 2019
  • 2 min read

Kapag hinati sa 30 days, P500 na dagdag-suweldo, kulang pa na pambili ng isang kilong bigas — Ang sistema pala ng urgent bill ni P-Duterte na dagdag-suweldo sa mga empleyado ng gobyerno, base sa ginawang paghimay ng Department of Budget and Management (DBM) at mga mambabatas ay “pautay-utay” o gagawin ito sa apat na bahagi na magsisimula sa susunod na taon kapag nalagdaan na ng pangulo ang Salary Standardization Law (SSL).

Halimbawa, sa mga empleyado na nasa salary Grade 1 o sumasahod ng P11 K kada buwan, ang dagdag-suweldo nila next year ay P500 at P500 ulit sa 2021, 2022 at 2023.

Kaya kung kukuwentahin at idi-divide ang dagdag-suweldo sa karaniwang empleyado sa isang buwan, ang P500 divided by 30 days ay P16 lang sa isang araw! Kaya malinaw na kulang pa sa pambili ng isang kilong bigas sa isang araw, boom!

****

P500 MILYONG ‘PORK’ SA MGA CONG., P500 MONTHLY SA MGA GOV’T. WORKERS — Puwede pa sanang madagdagan ang P500 monthly dagdag-suweldo ng gov’t. workers kung walang ‘pork barrel’ ang mga kongresista.

Ang problem, mas inuna pa ng mga cong. na kasapi ng supermajority sa Kongreso na magkaroon sila ng tig-P500 milyong ‘pork barrel’ kaya ang resulta, tig-P500 lang ang madaragdag sa suweldo buwan-buwan ng gov’t. workers next year, buwisit!

****

KAPAG ANG ‘PROJECTS’ AY WALANG DETALYE, ‘PORK BARREL’ ‘YAN — Madalas sabihin ni Speaker Alan Peter Cayetano na hindi raw “pork” kundi pang-”projects” lang daw ng mga kongresista ang inilagay nila sa 2020 National Budget, pero ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson, kapag ang “project” ay walang malinaw na detalye kung saan ito gagamitin, malamang ay “pork barrel” daw ‘yan.

Ano na naman kayang palusot ang sasabihin ni Cayetano sa panunupalpal sa kanya ni Sen. Lacson? Abangan!

****

HINDI LANG MGA CONG. ANG TIBA-TIBA KUNDI PATI ANG MGA ‘TONGPATS COLLECTOR’ NG PNP — Sa ngayon daw ay mahigit P5 milyon ang weekly payola na natatanggap ng tandem nina “Batman Morante” at “Robin Villareal” sa mga ilegalista sa CALABARZON at ang may pinakamalaki raw ay ang jueteng lord ng Cavite na si “Ariza” na P3 milyong weekly ang ibinigay na weekly “tongpats”.

Kung ganu’n, hindi lang pala mga kongresista ang nagkakamal ng salapi sa ilalim ng Duterte gov’t. kundi pati ang mga “tongpats collectors” ng PNP, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page