top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mabilis na tulong sa mga nasalanta ng kalamidad, good job!

  • Isko Moreno
  • Dec 19, 2019
  • 1 min read

Lubos tayong nalulungkot sa nangyaring kalamidad sa ilang bahagi ng Mindanao. Nakikiramay tayo sa pamilya ng mga nasawi at pati na rin sa mga nasalanta ng lindol na labis na nagbibigay ng kalungkutan ngayon sa ilan nating mga kababayan.

Malungkot na balita ito lalo na at malapit na ang Pasko kaya manalangin tayo at tumulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

Mabilis at agaran namang kumilos ang national at local na pamahalaan sa nasabing mga lugar kaya tayo ay nagpapasalamat din sa kanila.

Sa ganitong mga oras at panahon natin maipadarama sa mga kababayan natin ang malasakit at pagmamahal. Minsan, kahit gaano ka kahanda, hindi mo pa rin alam kung ano ang magiging epekto ng mga kalamidad na tulad nito kaya wala kang ibang choice kundi maghanda pa rin, pilitin na nasa ligtas na lugar at taimtim na manalangin.

****

Sana, nabuhay tayo noong panahon na maganda at makisig ang Maynila.

May disiplina, paggalang sa sarili at sa kapwa.

Sana, magkaisa tayong lahat, mga Batang-Maynila, na maibalik ang linis, kaayusan at sigla ng ating minamahal na lungsod para sa susunod na henerasyon.

Buong kababaang-loob na nakikisuyo kami sa inyo. Kailangan namin ang tulong ninyong lahat. Magsama-sama tayo tungo sa Bagong Maynila.

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ISKOr ni Isko Moreno, BULGAR Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa iskor@bulgar.com.ph

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page