Hindi mkapag-open ng problema sa BFF dahil inaagawan ng moment
- Roma Amor
- Dec 19, 2019
- 1 min read

Dear Roma, Sobrang sama ng loob ko sa mga nangyayari sa akin. Nag-reach out ako sa kaibigan ko, dahil siya lang ang nasasabihan ko, pero tuwing maglalabas ako ng sama ng loob, bigla siyang magsasabi ng magandang nangyayari sa kanya. Masaya naman ako para sa kanya, pero lalo akong nada-down dahil ayaw kong masira ‘yung moment niya. Ano ang gagawin ko? —Rose
Rose, Nakalulungkot nga ‘yan, sis. Kung wala ka talagang ibang nakakausap bukod sa kanya, subukan mong mag-reach out sa iba mo pang kaibigan o pamilya mo.
Puwede ka ring gumawa ng mga bagay na magsisilbing distraction para makalimutan mo ang mga hindi magagandang pangyayari sa‘yo tulad ng pagbabasa ng libro, panonood ng pelikula at pagkilala sa iyong sarili.
Kaya mo ‘yan, besh. Kapit lang!





Comments