top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Solusyon ng MMDA, hinaharang.. Malalang trapik, kasalanan ng mga korte

V. Reyes
Dec 18, 2019
1 min read

Hindi umano nakatutulong ang pagharang ng ilang korte sa mga hakbang ng MMDA para maresolba ang problema ng mabigat na trapiko sa Metro Manila.

Sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development Authority, tinukoy ni Deputy Speaker Michael Romero ang ipinalabas na kautusan ng Quezon City Regional Trial Court na pansamantalang ipinatigil ang implementasyon ng MMDA ng provincial bus ban.

Binigyang-diin ni Romero na lalong naging buhul-buhol ang daloy ng trapiko dahil sa hindi napaghihiwalay ang mga city at provincial bus.

Kaugnay nito, iginiit ng kongresista sa Executive Department na maipagbawal na ang pagpapalabas ng mga temporary restraining order sa pagpapatupad ng mga regulasyon o panuntunan ng MMDA.

Sinabi pa ni Romero na dapat kasama sa pinagsasabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga korte lalo na ang mga nagpapalabas ng injunction order para mapigil ang mga hakbang na reresolba sa trapiko.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page