top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Sining at kultura ng ‘Pinas, tangkilikin at palakasin

  • Nancy Binay
  • Dec 18, 2019
  • 2 min read

Nancy Binay / Be Nice Tayo

Kamakailan ay nagkaroon tayo ng pagkakataong dalawin sa Baguio ang BenCab Museum ni National Artist for Visual Arts Benedicto Cabrera.

Nagkataon din na sa pagbisita natin ay idinaos ang opening ceremonies para sa RE: VIEW 2019, exhibit na nagtatanghal ng gawa ng mga Pinoy artists mula sa iba’t ibang dako ng bansa, bukod sa pagkakataong makausap at makapagpa-fan photo kina Benedicto Cabrera (BenCab), National Artist for Film Kidlat Tahimik, visual artist Tiny Nuyda at veteran photographer Wig Tysmans.

Nakatutuwa na tila muli na namang nabubuhay ang arts and culture sa bansa.

Bilang chairperson ng Committee on Tourism sa Senado, kaisa tayo sa pagtataguyod sa tinatawag na tangible at intangible heritage ng ating bansa. Napakahalaga ng mga aspetong ito ng ating kultura sa pagkilala at pagpanday nating mga Pinoy ng ating pagkakakilanlan o identity.

Gayundin, ang mga artista at manunulat natin ay mahalagang sangkap sa pagkamit natin ng makabuluhang progreso, kaya umaasa tayong lalo pa nating tatangkilikin ang gawa ng mga ito.

◘◘◘

Isang kongkretong paraan para matangkilik ang ating mga artista at manunulat ay sa pamamagitan ng pagbisita sa mga museum, art collectives at writers’ and readers’ fairs.

Lalo na ngayong Christmas Season kung saan ang pagdalaw sa mga museum at park natin ay affordable na bonding opportunity para sa magkakapamilya at magkakaibigan.

At siyempre, bumili na rin tayo ng mga artworks o libro.

Sa ganitong paraan, hindi lang quality time ang maa-achieve natin, mas lalo pa rin tayong mamumulat sa kultura at matutulungan pa natin ang ating mga local artist at writers.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page