top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Iloilo at Bacolod nagmalupet sa MPBL

MC
Dec 18, 2019
1 min read

Kinomando ni Jerson Prado ang paggawa ng iskor sa 4th quarter nang manalasa ang Iloilo United Royals laban sa Rizal Golden Coolers, 71-65 noong Lunes ng gabi sa Chooks to Go-Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season sa Imus Sports Complex.

Nakagawa ang 6-foot-5 na si Prado, dating team captain ng University of the Philippines Fighting Maroons ng unang 10 puntos para sa Iloilo sa huling bahagi ng last quarter sapat para sa Royals na itala ang ika-6 na diretsong panalo, 66-65.

Habang hindi pinaiiskor ng Royals ang Golden Cooler sa pinal na minuto, nakapagsalpak si dating pro Al Francis Tamsi ng tres at duagdag si Richard Escoto ng dalawang free throws para sa huling talaan na nagpaangat sa Royals sa record na 15-8 at pumatas sa Basilan Steel sa 4th place ng South division. Nagtapos na may 16 points si Tamsi, kasunod ni Prado na may 12 at 7 rebounds, 10 points si Escoto. Ang Golden Coolers na nakalamang pa sa 63-62, kasunod ng 8 puntos na dagdag pa ay lagpak sa 4-17 win-loss record ng North division.

Ang bagong bihis namang Bacolod Master’s Sardines ang nakapigil sa Bicol Volcanoes tungo sa overtime game, 76-72 na panalo sa ikalawang laro. Pagkasalpak ng dalawang free throws ng Bacolod mula kay Chris Lalata ay napatahimik ang Bicol para sa ika-2 straight victory umangat ang kartada sa 8-15 ng South division. Sumadsad ang Volcanoes sa 13-12. Bumida si Ralph Tansingco para sa Bacolod sa bisa ng 15 points at 5 rebounds, kasunod ni Ben Adamos sa 11 points, at Jess Mar Villahermosa, Jopher Custodio at Yankee Haruna na may tig- 10 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page