top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Gobyerno, tameme sa kidnapping kahit may mga sangkot na Chinese

Ka Ambo
Dec 18, 2019
2 min read

Inabsuwelto ng Sandiganbayan ang Pamilya Marcos sa P200 billion forfeiture case.

Nganga ang mga kritiko!

◘◘◘

DAPAT nang magtalaga si P-Digong ng bagong PNP chief.

Gumagrabe na naman ang krimen sa lansangan!

◘◘◘

SANDAMAKMAK na naman ang holdapan at isnatsing sa Metro Manila, partikular sa Pasay at Maynila.

Anubayan?

◘◘◘

SA totoo lang, maganda na ang performance ng pulisya sa Kamaynilaan nang nakaupo rito bilang NCRPO si General Guillermo Eleazar.

Pero, nang ma-promote siya at nailipat sa Camp Crame, naiwanan sa pansitan ang pulisya sa Metro Manila!

◘◘◘

LAGANAP ang kidnapping sa Metro Manila na kinasasangkutan ng mga Chinese at may ulat ding dinudukot ang ilang kabataan.

Pero, walang naglalabas ng paliwanag at tameme lang ang mga opisyal ng pulisya sa Kamaynilaan!

◘◘◘

SA pagtatapos ng Kapaskuhan at sa pagpasok ng Bagong Taong 2020 — kailangang maibalik ang sigla ng pulisya sa Kamaynilaan at maging sa buong bansa.

At iisang police official lamang ang may kongkreto at malinaw na track record hinggil dito.

Ito ay walang iba kundi si Gen. Guillermo Eleazar!

◘◘◘

MARAMI ang nagtataka kung ano ang pumipigil kay P-Digong para maitalaga si Gen. Eleazar bilang PNP chief, gayung kinilala ng Civil Service Commission ang kanyang merito at performance noong panahon ng panunungkulan nito sa NCRPO.

Sa unang pagkakataon din nang pamunuan ni Gen. Eleazar ang Kamaynilaan, kinilala ang NCRPO bilang best regional police office sa buong bansa sa unang pagkakataon!

◘◘◘

MASYADONG malawak ang Metro Manila kaya napakahirap itong pangasiwaan at mapagbuti ang proseso sa peace and order, pero maayos itong nagampanan ni Gen. Eleazar.

Sa kabila ng kongkretong achievement ni Gen. Eleazar, tama si DILG Secretary Eduardo Año na irekomenda ang kanyang promosyon bilang PNP chief kasama ang dalawa pang mataas na heneral!

◘◘◘

KUNG totoo na mahusay ang implementasyon ng “war on drugs” ng Administrasyong Duterte sa nagdaang tatlong taon, bakit hindi siya pumili ng bagong PNP chief sa tatlong highest ranking generals na inirekomenda ng DILG at Napolcom?

Nakapagtataka ‘yan!

◘◘◘

MAAARING natutuliro lamang si P-Digong sa kaliwa’t kanang “bulong” ng ilang amuyong sa Malacañang.

Sa teknikal na pagtaya at walang halong personal, dapat igalang ni P-Digong ang protocol.

Dapat na niyang piliin kung sino ang may pinakamahusay na track records sa tatlong heneral na inirekomenda ni Sec. Año!

◘◘◘

DAPAT nang maging normal ang takbo ng PNP sa pagpasok ng 2020.

At ito ay mangyayari lamang sakaling magtalaga ng aktuwal na hepe ng Pambansang Pulisya!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page