Amit, Centeno at Yulo biggest bonus winners!

Photo: foxportsph/gmanetwork
Pumapaldo na sa nangungunang may pinakamalaking insentibo si World Champion Gymnast Carlos Edriel Yulo kasunod nina cue masters Rubilen Amit at Chezka Centeno dahil nakatakdang dagdagan ng gobyerno ang kani-kanilang mga gantimpala mula nang maka-gold medal at maipakita ang kanilang pinakamahusay na laro sa nagdaang 30th Southeast Asian Games at hindi rin pahuhuli si trackster Kristina Marie Knott sa biyayang ipagkakaloob ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanila.
Magpapalabas pa ang gobyerno ng dagdag na P136.4-M para sa cash incentives ayon na rin sa batas dagdag pa ang Pamaskong bonanza ng Office of the President.
“I am so proud of our athletes. They deserve our love, admiration and respect,’’ ayon kay Philippine Sports Commission Chair Butch Ramirez, kung saan pangungunahan ng kanyang ahensiya ang pagpapalabas ng insentibo kasama ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Nakapagbulsa si Yulo ng gold sa floor exercise at sa all-around events ng men’s artistic gymnastics at makatatanggap siya ng P2.6-Million sa pagharap niya ngayon kay Pangulong Duterte.
Nakakuha rin ang 4-foot-8 na energetic athlete mula sa Leveriza, Manila ng limang silver medals at tanghaling ‘most bemedalled Filipino athlete’ sa nagdaang 30th Southeast Asian Games. Sa ilalim ng National Athletes Coaches and Trainers Benefits Incentives Act, opisyal na tatanggap ang gold medalists ng cash incentive na P300,000, habang ang silver winners ay P150,000 at ang bronze performers ay P60,000.
Ang mga iyan ay daragdagan pa ng Pangulo ng additional bonus na P250,000 para sa gold medalists, P150,000 sa silver at P100,000 para sa bronze.
Matapos ang gold at silver medal finished sa women’s 9-ball at 10-ball events, nagtambal sina Amit at Centeno sa 9-ball doubles play, na maituturing na ‘exceptional performances’ na makatanggap ang bawat isa ng tig-P1,125,000.
Habang si Knott, na nag-reyna sa women’s 200-meter dash at naka-silver sa 100m bago muling naka-silver sa women’s 4x100m relay squad ay may tatanggaping P1-Million.
Ang Pinoy athletes ay nakakolekta ng kabuuang 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals at tanghaling overall champion ng Games, ikalawang kampeonato ito ng Team Philippines mula nang maghari rin noong 2005 Manila hosting.





Comments