Standhardinger, kahit sobra nang pagod, may misyon sa Pier
- MC
- Dec 16, 2019
- 1 min read

Kahit pa gaano kapagod ang dinanas ay hindi ito iindahin ni Christian Standhardinger para ituloy ang kampanya ng kanyang laro sa NorthPort Batang Pier sa PBA Governor’s Cup semis series laban sa Barangay Ginebra.
Sa kabila nang walang tigil na pagsabak mula pa noong playoffs, hanggang sa 30th Southeast Asian Games, taglay pa rin ng Fil-German sophomore ang enerhiya ng laro para sa Batang Pier.
Bumanat ng 16 puntos, 15 rebounds at 6 assists para sa 124-90 na panalo ng Pier noong Sabado ng gabi.
Aminado si Standhardinger na napapagod na rin siya, pero kailangan niyang tapusin ang trabaho para sa best-of-five semis series na kinahaharap ng team kontra sa Ginebra Kings.
“I’m a little banged-up, but I’m OK. And nothing could keep me off the court,” ayon sa 30-anyos na center.
Ayon kay NorthPort coach Pido Jarenco sa PBA.ph, hindi nakapagpraktis si Standhardinger sa Batang Pier noong gabi bago ang opener dahil nagpahinga muna ito matapos ang laro ng national team sa SEAG na naka-gold medal kamakailan lang.
Kailangan daw talaga ni Christian na makapagpahinga.“I played with much worse,” aniya. It’s not my body, it’s more like a little sickness that is annoying. I’m worried about it because I want to be as good as I can to play the games.”
Ngayong Lunes ang Game 2 ng Batang Pier sa Big Dome kontra Gin Kings.





Comments