top of page
Pokwang.jpg

SEAG medalists, hayahay ang Pasko mula sa POC

MC
Dec 16, 2019
1 min read

Hindi pa natatapos ang biyaya para sa mga atletang sumabak sa 30th Southeast Asian Games at pawang nagsipagkamit ng ginto, pilak at tansong medalya dahil inanunsiyo ng Philippine Olympic Committee (POC) na mamimigay pa sila ng halos P53-milyong extra incentives sa mga ito.

Sa lumabas na ulat sa Bombo Radyo, humihingi raw ng tulong si POC president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino sa lahat ng sports patrons tulad ng Davao-based businessman na si Dennis Uy at mga kasamahan nito sa Kongreso para makahanap pa ng pagkukunan ng bonus na ireregalo ngayong Pasko para sa Pinoy medalists.

Idaragdag ito bukod pa sa insentibong magmumula sa gobyerno ayon sa batas ng Athletes Incentive Act at isa pang espesyal na personal na regalo ni Pangulong Rodrigo Duterte. Batay sa incentive scheme ng POC, ang lahat ng gold medalists ay pagkakalooban ng P200,000, bukod pa sa P300,000 mula sa pamahalaan at P250,000 mula sa Pangulo; kaya may kabuuan na P750,000 ang mapupunta sa gold medalists.

Ang team sports tulad ng two-member squads na naka-gold medal ay may tig- P100,000; may tig-P75,000 sa may 3-4 members at tig-P50,000 sa 5 o mas marami pang miyembro. Ang individual silver medalists ay may P50,000 at teams na may 2 members, habang may P30,000 sa may 3 o higit pang miyembro. Tig-30,000 naman ang para sa bronze medalists.

Nakakuha ng 149 gold medals, 117 silver medals at 121 bronze medals ang Pilipinas nitong SEAGames, na ikalawang kampeonato ng bansa sa biennial meet na ang una ay noong 2005 Manila SEAG.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page