M. Mla., ligtas sa lindol at baha, lugmok sa bilyong korupsiyon
Tinamaan ng Magnitude 6.9 earthquake ang Davao del Sur.
Akala ko ba, ipina-STOP na ito ni Quiboloy?
◘◘◘
TINATANGKA ni P-Digong na maareglo na rin ang CPP-NPA.
Bilisan niya, matatapos na ang kanyang termino.
◘◘◘
TUMAAS ang presyo ng galunggong.
Baka ginagawang “hamon”?
◘◘◘
BAKASYON na ang mga estudyante ngayong linggong ito.
Huh, malaking ginhawa sa “baon” at “bayad sa iskul serbis”.
◘◘◘
MAGKAKASABAY ang X’mas Party.
Mag-donate naman kayo sa Davao.
◘◘◘
LINDOL sa Mindanao, baha sa Cagayan.
Buwenas ang Metro Manila, walang kalamidad — maliban sa bilyong korupsiyon sa pamahalaan.
◘◘◘
MAS mabilis ang paglalabas ng impormasyon sa social media kaysa sa mainstream media.
Nabago na ang panahon.
◘◘◘
MALAPIT nang malaos ang mga TV networks.
Puwede na kasing manood online ng kahit anong programa kahit walang TV station at walang TV signal.
◘◘◘
INTERNET live stream na ang pamalit sa telebisyon, radyo at diyaryo.
Ibig sabihin, level-up na ang media at hindi na talagang maglalaho.





Comments