top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit bawiin ang Martial Law — AFP.. Marawi siege, hindi na mauulit

  • V. Reyes
  • Dec 16, 2019
  • 1 min read

Nakatitiyak ang Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (WestMinCom) na hindi na mauulit ang limang buwang Marawi City Siege sakaling bawiin ang Martial Law sa Mindanao.

Binigyang-diin ito ni AFP-WestMinCom Commander Lieutenant General Cirilito Sobejana sa harap ng nalalapit na pagtatapos ng Batas-Militar sa rehiyon sa Disyembre 31.

Paliwanag ni Sobejana, maliit na ang puwersa ng mga teroristang grupo sa bansa at wala nang kakayahan ang mga ito na makapaglunsad ng malakihang pag-atake.

Noong Mayo 2017 nang maglunsad ng pag-atake at pagkubkob sa Marawi City ang grupong Maute-ISIS na tumagal hanggang Oktubre.

Iginiit pa ni Sobejana na kahit wala ang Martial Law, may mga magagamit pang bala ang militar tulad ng Executive Order 70 na makatutulong sa kanilang pagsisikap na tapusin ang problema sa terorismo.

Ani Sobejana, may walong dayuhang terorista ang kumpirmadong nasa Pilipinas habang 60 pa ang bineberipika ang presensiya sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page