top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

After kumalat na si Gretchen Ho ang bago ng anak… Bossing Vic, mas gustong single si Mayor Vico

  • Janice DS Navida
  • Dec 16, 2019
  • 2 min read

Pinag-usapan recently sa social media ang nag-viral na photo nina Pasig Mayor Vico Sotto at Umagang Kay Ganda host Gretchen Ho nang manood sila ng isang SEA Games event.

Since parehong single ngayon ang dalawa, nag-one-plus-one agad ang mga netizens na they’re dating. At mukha namang they click together kaya kilig na kilig ang mga nakakita sa photo nila habang magkatabing nanonood ng event.

Sa presscon nu’ng Biyernes ng Metro Manila Film Festival 2019 entry ni Bossing Vic Sotto titled Mission Unstapabol: The Don Identity, hiningi ng entertainment press ang reaksiyon ni Bossing Vic sa pagkaka-link ngayon ng kanyang mayor na anak sa Kapamilya TV host.

Pagbubulgar ni Bossing, “Wala na­mang love life ‘yun (Vico). I don’t it’s the right time.”

Hindi ba true ‘yung tsismis kina Mayor Vico at Gretchen?

“I don’t think so,” kumpirma pa niya sabay dugtong ng, “‘Pag may ipinakilala, malalaman n’yo.”

Pero gusto na ba niyang magka­roon ng love life si Mayor Vico?

“Ako? Sa ngayon, kung gaano siya ka-busy, mas magandang single siya,” ani Bossing Vic na humirit pang ang mga kababayan ang inspirasyon ni Vico at hindi girlfriend.

Samantala, sa Q&A sa presscon ng Mission Unstapabol, natanong namin si Bossing Vic kung bakit parang tila paborito niya si Maine Mendoza at for three consecutive years ay kasama nga ito sa kanyang mga MMFF movies.

Paliwanag ni Bossing, magaling naman daw kasi si Maine, mapa-drama, comedy o action, tulad ng ginawa nito ngayon sa Mission Un­stapabol: The Don Identity. Kaya basta raw may movie siya, asahan nang ka­sa­ma si Maine at ‘for life’ na nga raw ang kon­trata nito sa kanya.

Although, ‘pag may ibang nag-alok kay Maine ng movie, basta hindi MMFF at kala­ban ng pelikula ni Bossing Vic, allowed namang tumanggap ang Dubsmash Queen.

Ang Mission Uns­tapabol: The Don Identity ay co-produced ng APT Entertainment at M-Zet Films mula sa direksiyon ni Mike Tuviera at showing sa Dec. 25 in cinemas nationwide.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page