Tserman at ‘misis’ niratrat, utas

Todas matapos umanong pagbabarilin ang kapitan ng barangay at ang live-in partner nito sa Marilog District, Davao City, kahapon ng umaga.
Sa paunang imbestigasyon, nabatid na magkaangkas sa motorsiklo sina Chairman Fernando Banayao at Genevive Valenzuela nang tambangan sa Purok Mundo Hill, Sitio Quarry sa Bgy. Gumitan.
Dead-on-the-spot si Banayo habang hindi na umabot ng buhay si Valenzuela nang isugod sa ospital.
Narekober sa lugar ng krimen ang pitong basyo ng kalibre .45 na baril at dalawang .9mm. Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad hinggil sa krimen.
Sinasabing aktibo sa kampanya laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang kapitan ng barangay.





Comments