top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Safe na pagkain, gawing prayoridad para walang mapahamak

Ryan B. Sison
Dec 15, 2019
2 min read

Boses ni Ryan B. Sison

Kaliwa’t kanan na naman ang mga Christmas Party.

Ibig sabihin, marami na namang ganap, handaan at kung anu-ano pa.

Kamakailan, ang masaya sanang Christmas Party sa iskul ay nauwi sa ospital.

Ito ay matapos malason ng 59 katao na kumain ng spaghetti at fried chicken sa Christmas Party sa isang paaralan sa Bago City, Negros Occidental.

Paniwala ng nurse sa Bago Health Office, maagang inihanda ang spaghetti kaya posibleng napanis ito.

Dahil sa insidente, may ilang paalala ang awtoridad sa mga a-attend ng party at caterer na maghahanda ng mga pagkain.

Para sa mga caterer, maghugas ng mga kamay bago maghanda, siguraduhing malinis at tuyo ang lalagyan ng mga pagkain at maayos ang pagkakaluto ng mga ito.

Gayundin, hindi dapat pinatatagal bago kainin ang mga handa na gawa sa harina o starchy food.

Paalala naman sa mga a-attend ng party, tingnan o obserbahan ang nakahandang pagkain upang makasiguro na hindi ito sira.

Ngayong Holiday Season, ‘wag tayong masyadong ma-excite sa maraming pagkain.

‘Yung tipong busog ka nga, sa ospital naman ang bagsak mo dahil sumama ang tiyan.

Ang ending tuloy, hindi n’yo na na-enjoy ang party na inyong pinuntahan.

Sa totoo lang, mahirap iwasan ang pagkasira ng pagkain, lalo na kung sumasabay pa ang pabagu-bagong panahon kaya panawagan sa publiko, huwag kalimutan ang mga paalalang nabanggit upang mapanatiling ligtas ang mga pagkaing ihahanda.

Samantala, ang paalalang ito ay hindi lang para sa mga caterer na naghahanda ng maramihang pagkain kundi pati na rin sa ating nagbabalak maghanda sa Noche Buena at Media Noche.

Hindi lang pagkain at oras ang masasayang kundi pati na rin ang perang inilaan para mabili ang mga ito kaya paalala sa lahat, huwag tayong manghinayang sa oras na ilalaan natin para mailuto nang maayos at masiguradong malinis ang pagkaing ihahain natin dahil para rin ito sa ating ikabubuti.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page