PHL Allianz PNB Life Futsal, silver awardee ng SPIA-Asia

Ginawaran ang PH Allianz’s PNB Life Futsal Games ng Silver Award para sa “Best Youth Sports Dev’t Program” category ng Sports Industry Awards (SPIA) Asia noong Dis. 3, 2019 na idinaos sa Grand Hyatt Manila, BGC.
Ang global insurer ang nabigyan ng naturang parangal dahil sa itinatag na Allianz National Youth Futsal Invitational (ANYFI), ang taunang nationwide futsal competition na idinaraos katuwang ang Henry V. Moran Foundation sa tulong ng Philippine Football Federation (PFF). “We at Allianz believe that engaging in sports is a good way for children to learn discipline and achieve their dreams. With this award, we are further affirming our commitment to continue to provide a venue for Filipino kids to be trained in the sport of futsal or football under the best coaches, so they can reach their goal of playing as world-class professional football players,” ayon kay Gae Martinez, ang Allianz PNB Life chief marketing officer.
Ang ANYFI, na ngayon ay nasa ikatlong taon ay naging instrumeto sa pagpapaibayo ng larong futsal at football at maging sa pagdiskubre ng mga batang players sa malalayong bahagi ng bansa. Mahigit sa 7,000 mga bata ang lumahok na sa naturang games. Ang ilan sa mga ito ay pawang dating mga miyembro ng National Football Team. Ang iba ay nakatagpo na nang mas malalaking oportunidad sa labas ng bansa tulad nina Conrad Keim Sollorin at JM Mitra na dating miyembro ng unang batch ng mga nagwagi.
Si Sollorin ngayon ay naglalaro para sa Sevenoaks Senior College sa Australia, habang si Mitra ay nasa Los Angeles Surf Soccer Club sa U.S. Naghahanap din sila ngayon ng mga mahuhusay na batang players na lalahok sa prestihiyosong Allianz Explorer Camp sa Germany kung saan sila hahasain sa ilalim ng FC Bayern Munich coaches kasama ang mga partisipante mula sa iba pang bansa. “Futsal and football’s progress in the country continues, and we are excited to see more kids getting into the sport and showing the world that they can compete with the best,” ani Martinez.
Ito ang ikalawang taon na ang ANYFI ay kinilala ng SPIA. Noong 2018, nakatanggap ito ng silver medal sa ilalim ng “Best Sports CSR” category. Kinilala rin ng SPIA Asia ang achievements na ginawa ng sporting industry sa rehiyon mula sa Sports Industry Awards. Ang mga nakaraang award winners ay ang Australian Grand Prix, La Liga, Arabian Gulf League, Standard Chartered KL Marathon, at Lagardère Sports at iba pa.
Ang awards ngayong 2019 ay idinaos sa Manila kung saan si Sen. Manny Pacquiao ang nakatanggap ng gold for the “Best Asian Sportsman of the Year” category. Si Tennis grand slam champion Naomi Osaka, ang ginawaran ng gold para sa “Best Asian Sportswoman of the Year” category.





Comments