Onsehan sa droga, tulak dedbol

Patay ang sinasabing pusher matapos umano nitong onsehin ang kanyang kausap sa ilegal na droga sa Lorenzo Ruiz Village, Bgy. San Juan. Taytay, Rizal.
Base sa ulat, nagkaroon pa ng pagtatalo sa pagitan ng biktimang si alyas Barok at suspek na si alyas Batang. Agad umanong bumunot ng baril ang suspek saka ito binaril sa hita.
Nagawa pang makatakbo ang biktima subalit, hinabol siya nito hanggang sa maabutan. Muli itong pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago tumakas ang salarin.
Dead-on-the-spot ang biktima habang patuloy ang pagtugis sa suspek. Ayon pa sa report, dati nang nakulong ang biktima kaugnay sa pagbebenta ng iligal na droga.





Comments