top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mula 4 yrs. old, sa iba-ibang lalaki.. Nene pinagla-live show ni nanay

  • BRT
  • Dec 15, 2019
  • 1 min read

Kulong ang isang ina dahil sa paggamit umano sa kanyang paslit na anak sa kalaswaan sa Taguig City.

Sa imbestigasyon ng NBI-Anti-Human Trafficking Division (AHTRAD), pinipilit ng suspek na gumawa ng malalaswang video ang kanyang 10-anyos na anak na babae.

Ito ay nakumpirma makaraang makatransaksiyon ng agent na nagpanggap na kostumer ang mismong ina ng biktima.

Nag-alok pa umano ang suspek ng live show ng bata kasama ang isang lalaki, kapalit ng pera.

Napag-alaman na 4-anyos pa lang ang bata nang simulan niya itong pagkakitaan sa pamamagitan ng malalaswang aktibidad kasama ang iba-ibang lalaki.

Kaugnay nito, kulong ang nanay sa kasong qualified trafficking, child abuse at child pornography habang nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang biktima at kanyang kapatid.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page