top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Face-to-face nina P-Digong at Joma Sison, inaabangan

Ka Ambo
Dec 15, 2019
1 min read

Malapit na ang Simbang Gabi.

Hindi na mapipigil ang Pasko.

Nagsisipagbakasyon na sa malayo sina ninong at ninang!

◘◘◘

UMATAKE ang NPA sa Samar.

Hindi ‘merry’ ang Christmas ng mga Waray!

◘◘◘

PAYAG si Joma Sison na umuwi sa 'Pinas para kausapin si P-Digong.

Panoorin natin kung paano sila magsasampalan!

◘◘◘

TULOY ang impeachment kontra kay U.S. President Donald Trump.

Higit na buwenas sa kanya si P-Digong!

◘◘◘

NAGKAABERYA ang isang eroplano sa NAIA patungong Japan.

Walang iniulat na namatay.

Masayang Pasko!

◘◘◘

MAALIWALAS at walang ulan ang Simbang Gabi.

Makabubuo ng nobena ang may malalaking problema!

◘◘◘

TAPOS na ang 30th SEA Games.

Wala na tayong puwedeng pagpiyestahan!

◘◘◘

INAABANGAN kung sino ang magiging best actor at best actress sa MMFF.

Maghintay tayo ng tsismis!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page