33 nadale rin.. Van sumalpok sa bus, 5 todas
- BRT
- Dec 15, 2019
- 1 min read

Lima ang nasawi habang 33 ang sugatan sa banggaan ng pampasaherong bus at closed van sa Pagbilao, Quezon, kahapon.
Sa panayam kay Police Maj. Eric Villarete, naganap ang insidente sa New Diversion Road sa bahagi ng Sitio Upper Sapinit sa Bgy. Silangang Malicboy.
Nabatid na galing Bicol ang bus nang makasalubong nito ang closed van. Sumakop umano ang van sa lane ng bus kaya nagbanggaan.
Kaugnay nito, kapwa sugatan ang mga driver ng dalawang sasakyan.





Comments