top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

3 yrs. old patay sa sunog

Gina Pleñago
Dec 15, 2019
1 min read

Dedo ang 3-taong gulang na babae habang sugatan ang 9-anyos na lalaki makaraang lamunin ng apoy ang 100 kabahayan sa Bgy. Ligid Tipas, Taguig City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Taguig City Fire Marshall Supt. Randolph Bides ang batang si Prescious Clarisa Parcarey na sunog na ang katawan.

Ginagamot naman sa Taguig-Pateros Hospital si ‘Ron-ron’, 9, na nagtamo ng minor injury sa katawan.

Ayon kay Supt. Bides, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Norie Maglanoc, alas-8:26 ng umaga.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay kung saan 200 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Itinaas sa ikatlong alarma ang sunog hanggang sa alas-10:28 ng umaga nang ideklarang fireout. Nasa P350, 000 halaga ng mga ari-arian ang natupok habang patuloy pang inaalam ang sanhi ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page