2 bangkay natagpuan sa puting van
- Janice Baricuatro
- Dec 15, 2019
- 1 min read

Photo: Abs-cbn News
Nakasusulasok na amoy ang naging dahilan kaya nadiskubre ang isang abandonadong puting van na naglalaman ng dalawang bangkay ng lalaki sa Noveleta, Cavite, kamakalawa.
Kapwa hinihinalang mga biktima ng summary execution ang dalawa na naka-packing tape ang mga kamay at halos hindi na makilala dahil sa paglobo ng katawan at mukha ng mga ito.
Alas-5:30 ng hapon nang i-report ng isang Jhovell Alvarez ang puting Nissan Urvan na may plakang NEA 9089 na kahina-hinalang naka-park sa Bgy. San Rafael 4 at bukod sa mabahong amoy ay may tumutulo pang dugo mula rito.
Hinala ng pulisya, may ilang araw nang patay ang mga biktima na iniwan sa van.
Samantala, nangamba naman ang ilang residente na unang inakalang ang laman ng van ay mga bata at kaanak na nilang nawawala na umano’y kinuha ng puting van pero, ayon sa pulisya ay wala itong kaugnayan sa napababalitang nangunguha ng mga bata bagama’t, patuloy pa rin ang imbestigasyon nila tungkol dito.





Comments