top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sariling liga ng women’s basketball, hiling ng Gilas

  • VA
  • Dec 14, 2019
  • 1 min read

Photo: foxsportsph

Habang hangad ng men’s volleyball team ang suporta at pagtangkilik na gaya ng ipinapakita ng mga volleyball fans sa women’s volleyball, nais namang magkaroon ng sariling liga na magpapatuloy ng programa sa women’s basketball ng Gilas Pilipinas Women’s squad matapos nilang magwagi ng gold medal sa katatapos na 30th Southeast Asian Games.

“We’ve been dreaming of that since Day One that we handled the national team, na sana we make it great for women,” ayon kay coach Patrick Aquino.

Sa nagdaang 14 na taon, halos kabiguan ang natatamo ng national women’s basketball squad sa biennial games.

Pero ngayong nakamit na nila ang inaasam na tagumpay sa SEA Games, umaasa ang Gilas women na mabibigyan na rin sila ng kaukulang suporta para magtuluy-tuluy ang pag-angat ng estado ng women’s basketball sa Pilipinas.

“Pagkatapos kasi ng college basketball wala nang pupuntahan ‘yung mga players natin,” wika ni Aquino.

“Sana. Lagi na lang puro kami sana. And now that we’re here, we achieved the goals that we’re supposed to do, and sana, for me, I want to keep it growing,” dagdag nito.

Maliban sa SEA Games gold medal, nasa top division na rin sa nakaraang huling dalawang edisyon ng FIBA Asia Cup ang Gilas women’s team.Sila lamang ang nag-iisang Southeast Asian team na kabilang sa Division A.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page