Pagkatapos ng 14 medals, SEAG Star Arnis, patatatagin

Photo: Abs-cbn News
Nangunguna sa pinakamaraming humakot na gold medal ang Filipino arnis delegation na may 20 podium finishers at sinasabing crown jewels sa nagdaang 30th Southeast Asian Games.
Kaya naman muling uminit ang pagtanggap sa naturang palakasan ng Philippine federation top officials at mayroon silang mga inilalatag na plano at pagpapatatag ng naturang sport sa rehiyon.
Sa ulat ng ESPN, may 20 mga events na idinaos at 80 medalya ang nahakot ng Pinoy arnis athletes sa tatlong araw na kompetisyong nilahukan ng may apat na mga bansa sa Angeles, Pampanga, ang institusyon ng arnis sa biennial games ay malinaw ang paghatak ng tagumpay at nagmarka muli ang kahalagahan ng pagbabalik nito matapos ang 14 na taon na walang aksiyon ng arnis.
Hindi masyadong nabibigyan ng pansin ang arnis noon dahil na rin sa bumagal ang paghakot nito ng medalya sa mga nakaraang Southeast Asian Games bago pa man ang 2005 na pag-host ng Pilipinas. Nang taon lang na iyon muling pinalakas ng bansa ang arnis magmula nang mag-boom ito sa Mindanao.
Maraming ipinagbago at pinag-ibayo ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF) upang maibalik ang tikas ng arnis kung saan na ito ngayon at umangat na mula nang maestablisa ang “all-inclusive federation” noong 2017.
Ang PEKAF ang pumalit sa ARPI sa unang bahagi ng taon bilang nag-iisang NSA ng arnis na kinikilala ng Philippine Olympic Committee (POC).





Comments