top of page
Pokwang.jpg

Krisis sa tubig, sama-sama nating labanan

Isko Moreno
Dec 14, 2019
1 min read

Sinayang ka man noon, darating din ang forever mo.

Parang sa tubig — limitado man ang supply, may mga “forever kakampi” naman tayo para siguruhing sapat ang tubig para sa ating kinabukasan.

Tayo rin mismo na mga Batang Maynila, puwedeng maging water warrior gamit lang ang tatlong “M” — makibalita, maghanda at magkaisa!

Tatawagin natin ‘yang ‘Oplan Tubig Para Sa Kinabukasan’.

Nananawagan tayo ng pakikipagkaisa at pakikipagtulungan para mapanatili nating malinis ang supply ng ating tubig at ang pagkakaroon ng sapat na tubig para sa susunod na henerasyon.

◘◘◘

Maraming salamat sa Karcher, Inc. sa kanilang high-pressure cleaners.

Akalain mo, ang maitim na sahig sa Plaza Miranda na ilang taon nang nandu’n ay libag pala! Nagsasagawa ngayon ng flushing operations at high-pressure cleaning bilang paghahanda sa darating na Traslacion 2020.

Maraming salamat po sa inyong tulong!

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ISKOr ni Isko Moreno, BULGAR Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa iskor@bulgar.com.ph

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page