top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Incentives Law ng mga atleta, pinaaamyenda na

  • MC
  • Dec 14, 2019
  • 1 min read

Maaring madagdagan ng hanggang P100,000 ang kasalukuyang cash incentives na matatanggap ng mga atletang magwawagi sa mga international events na sasalihan nito.

Mangyayari ito kapag maisasabatas na ang pag-amyenda sa Republic Act 10699 or the National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.

Ang pagkuha sa kampeonato ng Pilipinas sa nagdaang 30th Southeast Asian Games, ayon kay Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara, kung saan halos 400 mga medalya ang nahakot ng mga atleta, 149 dito ang ginto, ang nagtulak sa kanila upang mapagkalooban pa ng higit na biyaya ang mga atletang nagbibigay ng karangalan para sa bansa. “With such a stellar performance, it is only fitting that our national athletes and their coaches receive higher incentives from the government as they go on to compete in other international competitions,” saad ni Angara.

Sakaling maisabatas ang Senate Bill 1225, makatatanggap ang mga mananalo ng gold medal sa SEA Games ng P400,000 mula sa kasalukuyang P300,000; ang mga makakapilak na medalya naman ay bibigyan ng P200,000 mula sa kasalukuyang P150,000 lamang, habang ang mga makaka-tanso ay tataas ng P100,000 ang insentibo, mula sa dating P60,000 lamang.

Sa Dis. 18 ay ipatatawag lahat ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang mga medalist sa SEAG at doon niya ipagkakaloob ang dagdag na P250,000 para sa naka-gold medal, P150,000 sa naka-silver at P100,000 para sa bronze medalists.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page