top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Concio, solo lider na sa Easten Asia Juniors

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Dec 14, 2019
  • 1 min read

Muling nagpakita ng matinding potensiyal ang 6th seed at binatilyong pambato ng Pilipinas na si Michael Concio Jr. sa pamamagitan ng paghawak sa solong liderato ng ginaganap na 2019 Eastern Asia Juniors and Girls Chess Championships sa First Asian Institute of Technology and Humanities sa Tanauan, Batangas.

Limang panalo mula sa limang rounds, kabilang na ang pagtuturo ng leksiyon nung pang-apat na round kay International Master Gilbert Elroy Tarigan (rating: 2210) ng Indonesia, ang ginawang armas ng 14-taong-gulang na Pinoy, may rating na 2194, para mairehistro ang isang buong puntos na agwat laban sa pinakamahigpit na karibal.

Kasama rin sa mga hinugutan niya ng buong puntos sina Zeus Alexis Paglinawan (round 1), Mark Jay Bacojo (round 2), Jeth Romy Morado (round 3) at Christian Mark Daland 5).

Solo rin sa pangalawang baytang si topseed at IM John Marvin Miciano (rating: 2347) na may kartadang apat na puntos mula sa apat na panalo at isang talo habang naghahati naman sa pangatlong posisyon sina Tarigan, Morado (rating: 2266) at Labog (rating: 2054) dahil sa naipon nilang tig-3.5 puntos.

Sina Concio at Miciano ang magsusubukan ng husay sa susunod na yugto ng siyam na rounds na kompetisyon.

Sa kababaihan, nagsasalo sa paghawak ng trangko sina Woman FIDE Master Oanh Minh Thi Nguyen (rating:1850) ng Vietnam at Woman Candidate Master Jia-Tien Chua (rating: 1817) mula sa Malaysia bitbit ang rekord nilang tig-aapat na puntos.

Nasa pangatlong posisyon si Jerlyn Mae San Diego (rating: 1831) sa tulong ng kanyang 3.5 puntos na naipon.

Ganito rin ang produksiyon ng pre-tournament favorite mula sa Indonesia na si WFM Ummi Fissabililah (rating: 2166).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page