Carry over sa Quartet, Pentafecta, Super Six

Aalagwa ngayong hapon ang karera na tatahak sa 400 meters na paglalabanan ang carry over sa Quartet, Pentafecta, at Super Six sa 2 year old maiden race at condition race at Philracom sa Metro Manila Turf Club, Inc. sa Malvar, Batangas ngayong araw.
Bibitiwan ang dalawang Winner-Take-All (WTA) at Pick 5 at Pick 6 bukod pa sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six na tatayaan.
Sa Race 1 palang sisikad ang 2 Year Old Maiden race na P57,970.97 carry over sa Quartet at P40,188.84 sa pentafecta carry over na tiyak na paglalaban ng Maysilo, King Fox at Prettiest Star na simula ng 1st pick 5.
Sa Race 2, kasabay ng 1st WTA at nakalalamang ang Sorsogon Bay habang may laban ang Sail with Gee sa nasabing karera. Magsisimula ang 1st Pick 6 sa Race 3 pinapaboran ang A Song for Gee at makakalaban ang Pinamalayan.
Sa Race 4, maglalaban-laban ang mga kalahok na Bullet Fever, Purging Line at Red Gold kasabay ng panimula ng 2nd WTA.
Sa pagsisimula ng 2nd pick 6 sa Race 5 ipinapatok ang Box Office, ngunit tatalunin ng Shining Vic at Cerveza Rosas.
Nakalalamang ang Harapin Mo at tatalunin ng Rockaway at isama sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six ang mga kalahok na couple entry na Kristen Saving at Wakanda, Watch Out Amcoming at Kalmot Pusa, Morning Girl at Unlimited Song sa Race 6 at panimula ng Pick 5.
Sa pagsisimula ng Pick 4 sa Race 7 nakalalamang ang Gomper Girl laban sa Kapayapaan at Mark of Excellence.
Ipinapatok ang couple entry na Fortune Island at Take Advantage habang nagbabanta ang mga kalaban na Fruity Pebbles, Star of Kidapawan at Artikulo Uno sa Race 8.
Ipinapatok ang Simlong Rock habang may tsamba ang Gintong Lawin sa Race 9.
Sa Race 10 magkakalaban ang Siquijor, ang couple entry na True Religion at Magnifico, Shinshiro at Kusing.





Comments