top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Wanted: Bagong lider na babangga sa mga bigtime businessman na nagpapaikot sa bansa

  • Ka Ambo
  • Dec 13, 2019
  • 2 min read

May sapat pang panahon si P-Digong na durugin ang mga binansagan niyang oligarko.

Pumapalakpak ang mga kroni!

◘◘◘

MAMILI ka: Oligarko, kroni o dayuhang kapitalista?

Nganga!

◘◘◘

MAHALAGANG maunawaan ng mamamayan kung ano ang nagaganap sa paligid.

Mula sa pag-unawa at pagtanggap — magsisimula ang solusyon!

◘◘◘

KAPAG hindi nauunawaan ng tao ang nagaganap sa kanyang paligid, gustuhin man niyang tumulong o magbigay-opinyon — mahihirapan siyang magrekomenda ng solusyon.

Sa panahon ng teknolohiya, i-Google ninyo ang kahulugan ng tatlong terminong may kaugnayan sa pagkontrol ng ekonomiya at pinansiyal ng bansa!

◘◘◘

MAGING ang Russia, China at US ay kontrolado ng dambuhalang negosyante.

Sa maniwala kayo o hindi, ang buong daigdig ay pinatatakbo at pinaglalaruan ng mga “dambuhalang negosyante”!

◘◘◘

WALANG kakayahan ang pangulo o lider ng bansa na diktahan o talunin ang dambuhalang negosyante.

Natatalo sila, pero ang aktuwal na dumaig sa kanila ay “kapwa dambuhalang negosyante” na nagdidikta sa mismong lider ng bansa!

◘◘◘

KUNG inaakala ng marami na ang pinakamakapangyarihan sa bansa ay ang lider ng gobyerno, nagkakamali sila.

Ang mga nagwawagi sa eleksiyon ay mga hampaslupang sinuportahan ng “kuwarta” ng dambuhalang negosyante — lokal man o mula sa ibang bansa!

◘◘◘

ANG world financing institution at military establishment ng mga bansa ay kontrolado at minamanipula ng mga dambuhalang negosyante.

Higit na malaki ang “impluwensiya” ng dambuhalang negosyante kaysa sa alinmang gobyerno!

◘◘◘

ANG deklarasyon ng digmaan o kahit pa ang giyerang pandaigdig ay may dikta at impluwensiya ng mga dambuhalang negosyante.

Layunin nitong magkaroon ng bagong “world economic order” na kanilang ididikta sa mga bagong lider ng bagong gobyerno na makasu-survive sa pandaigdigang digmaan!

◘◘◘

WALA pang nagaganap na ikatlong digmaang pandaigdig sapagkat nananatiling kontrolado ng mga dambuhalang negosyante ang desisyon at postura ng lider ng malalaking bansa.

Sinumang lider na sumuway sa kapritso at dikta ng mga dambuhalang negosyante ay kaduda-dudang “binabawian ng buhay” upang mabawi rin ang poder ng pamahalaan!

◘◘◘

TALIWAS sa paniniwala ng marami, ang lipunan at populasyon ay mas kontrolado ng mga “negosyante” kaysa ng mga “pulitiko”.

Pero, kung magkakaisa ang mamamayan na higit na marami ang bilang kaysa sa mga “multi-trilyonaryo” — sila ang magpapabago sa takbo ng buhay sa ibabaw ng mundo.

Ang sitwasyong ‘yan ang magiging modernong digmaan sa kasaysayan ng mundo — dambuhalang negosyante kontra mamamayan.

Pero, sino ang bagong lider ng mamamayan na may “super charisma” at super-tapang?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page