Suitor na foreigner, friend lang daw… Bela, kumantang hindi lalaki ang nagpapakilig sa kanya

Nitz Miralles / Bida
First time na makakasama ni Bela Padilla si Aga Muhlach sa pelikula at ito ay sa entry ng Viva Films sa 2019 MMFF na Miracle in Cell No. 7.
Si Bela ang gumanap nang lumaki na si Yesha, ang anak ng character ni Aga sa istorya na ginampanan naman ni Xia Vigor.
Kahit kasama sa cast si Bela, naiyak pa rin siya nang mapanood ang local adaptation dahil dinoble ng Viva Films ang mga nakakaiyak at nakakawarak-pusong eksena.
Kahit napanood niya ang original Korean movie, naiyak pa rin siya sa Philippine adaptation lalo’t ginawang Pinoy ni Direktor Nuel Naval ang atake na based sa screenplay ni Mel Mendoza-Del Rosario.
Isa sa mga tanong kay Bela ay kumustang katrabaho si Aga?
“Wala siyang ere at pantay-pantay ang turing niya sa lahat. Para kaming pamilya sa set. Sa sobrang close namin, walang gustong umuwi kahit pack-up na. Ayaw nilang mag-uwian. Three days lang ako nag-shooting, pero naging close na kami at sa last day nga, kahit wala na akong eksena, pinapunta pa rin nila ako sa set para makasama sa last day celebration,” sagot ni Bela.
Sa tanong kung bakit kailangang mapanood ang Miracle in Cell No. 7, ang sagot ni Bela, “Paglabas mo ng movie after watching, gusto mong maging mabait na tao.
“Naiiba ang pelikulang ito sa ibang MMFF entries, may discussion after at kahit drama siya, lalabas ka ng sinehan na sobrang light ang feeling mo. Ang sarap siyang iregalo sa tao.”
After Miracle in Cell No. 7, ang next movie ni Bela ay sa Valentine’s Day presentation ng Viva Films with JC Santos at sa direksiyon ni Irene Villamor.
Wala pang final title ang movie kaya hindi muna sinabi ni Bela. Samantala, loveless pa rin si Bela at ‘yung foreigner na na-link sa kanya ay kaibigan lang daw niya at ni hindi nanliligaw. Tanging career lang ang nagpapakilig sa kanya ngayon.





Comments