Cayetano, akala good shot na, wa’ pa ring lusot sa korupsiyon sa SEA Games
- Pabs Hernandez III
- Dec 13, 2019
- 2 min read
MABUHAY ANG MGA ATLETANG PINOY! — Pagbati sa mga atletang Pinoy na lumahok sa katatapos lamang na 30th Southeast Asian Games na ginanap sa bansa!
Kahanga-hanga ang inyong dedikasyon at sakripisyo para bigyan ng karangalan ang Pilipinas.
Muli, mula sa nangungunang pahayagan sa bansa, ang BULGAR (Boses ng Pinoy, Mata ng Bayan), mabuhay ang mga atletang Pinoy!
◘◘◘
PURIHIN MAN NANG PURIHIN NI CAYETANO ANG KANYANG SARILI, IIMBESTIGAHAN PA RIN SIYA NG OMBUDSMAN — Matapos ibida ni Cayetano na binigyan siya ng “Best SEA Games Organizer” Award (na itinanggi naman ng SPIA Asia kasi “Excellence Award” lang daw ang ibinigay sa kanya), sa kanyang speech sa closing ceremony ng 30th SEA Games, pinuri na naman niya ang kanyang sarili nang sabihing ang hosting ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa SEA Games daw ang da best sa lahat.
Kung inaakala ni Cayetano na makalulusot siya sa utos ni P-Duterte na imbestigahan ang katiwalian ng PHISGOC sa katatapos lamang na okasyon ay nagkakamali siya, kasi ang sabi ni Ombudsman Samuel Martires, kabilang siya (Cayetano) sa target ng imbestigasyon, boom!
◘◘◘
TROPANG CAYETANO, MAY INIHABOL NA P83 BILYONG ‘PORK BARREL’ SA 2020 NATIONAL BUDGET — Bukod umano sa milyones na pang-”projects” na isiningit ng supermajority sa Kongreso, ibinulgar ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na bago lagdaan ang Bicameral Conference Committee ng P4.1 trillion 2020 National Budget ay may ipinahabol pa raw na P83 bilyong “pork barrel” ang grupo ni Speaker Alan Peter Cayetano.
Grabe, ang kapal ng mukha ng mga tropa ni Cayetano, hindi na sila nahiya sa mamamayan dahil tila kinamkam na nila ang pondo ng bayan, mga buwisit!
◘◘◘
MPD-STN-7 CHIEF COL. LANGCAY, ‘NGANGA’ SA RAKET NI “ITOY” —Hanggang ngayon daw ay ginagamit pa rin ni “Itoy” ang tanggapan ng Manila Police District (MPD)-Station 7 para makapangolekta ng payola sa mga ilegalista.
Ang nakapagtataka, sa kabila na ginagamit na ni “Itoy” sa kanyang raket ang MPD-Stn. 7, eh, ang hepe rito na si Col. Annie Langcay ay “nganga” lang, buwisit!





Comments