Big Boy Vito, mainam na pandehado
- Ding Taboy
- Dec 13, 2019
- 1 min read

Magaganap ang Additional One Win in Group Races sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite ngayong gabi.
Kasabay nito magaganap ang labanan sa Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 kasunod ang Trifecta, Quartet at Pentafecta. Asahan na magkakadehaduhan sa karera tatahak sa distansiyang 1,300 meters ang mga kalahok sa Condition Race 2 year old Maiden Race at Condition Race merged 7-8.
Sa Race 1, pukpukan ang magiging labanan ng Rhaegal at Kentucky Rain sa simula ng WTA kasama ang Trifecta at Quartet.
Sa Race 2, panimula ng Pick 6 kasabay ng Trifecta at quartet maglalaban ng mahigpit ang mga kalahok Put Atigerinurtank, Rocking Hill, Awesome Andri at All for Gee.
Sa Race 3, na panimula ng Pick 5 magkakalaban ang mga kalahok na Moon Fire, Sunday Surprise, Big Boy Vito, Believe Me at Batang Arrastre kasabay ng Trifecta at Quartet.
Sa Race 4, simula ng Pick 4, nakalalamang ang couple entry na Tikain Kamo at Cool Mom, sa makakalaban na couple entry na sina Top Romance at Royal Dragon at baka makatsamba ang Ivana Mayrolers. Sa Race 5, magkakalaban ang mga kalahok na Erik the Viking, Morning Breeze at Couple Entry na Hugo Boss at Headmastership.
Nakalalamang ang couple entry na Dalagang Bukid at Grand Villa habang may laban ang sa Heritage sa Race 6.
Nakalalamang ang Olympic Gold sa mga kalahok gaya ng Silver Wedding, Believable at Savior at magiging paratingan sa WTA, Pick 6, 5 at Pick 4 sa Race 7.





Comments