top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Anak nila ni Aiko, 'di na nakatiis… Andre, ibinulgar na 21 yrs. nang umaasa sa sustento ni Jomar

  • Ronalyn Seminiano
  • Dec 13, 2019
  • 1 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Ibinulgar ni Jomari Yllana kamakailan na hindi siya kinakausap ng anak nila ni Aiko Melendez na si Andre Yllana.

Ayon kay Jomari, hindi niya alam kung ano ang ikinagagalit ng anak at sini-seen zone lang siya nito.

Tila malalim naman ang sakit na pinagdaraanan ni Andre dahil sa Facebook, nakita namin na nag-share siya ng isang post about broken family na may caption na: “Growing up with a broken family is not easy.”

Ang inilagay namang caption ni Andre sa shared post niya ay: “MAHIRAP PERO KINAYA DAHIL STRONG ANG MAMA KO AT LOLA Elsie Castaneda, Maria Kendra Melendez.

“MAHAL NA MAHAL KO KAYO MAMA/PAPA NG BUHAY KO. THANK YOU RIN Angelo Castaneda, ‘LAM MO NA ‘YUN.”

Samantala, nu’ng Dec. 11, nag-post ang dating live-in partner ni Jomari na si Joy Reyes sa FB ng update sa allowance na hinihiling niyang ibigay man lang sa kanila ng aktor.

Wala pa rin ang allowance na sinasabi ni Jomari na ibinibigay niya every 15th and 30th of the month, kaya sabi ni Joy, “Responsibility b4 Kati #noallowance #notranspo #nodriver #facts #secretary.”

Kapansin-pansin ang comment ni Andre sa nasabing post ni Joy. Ani Andre, “21 years na rin ako umaasa, Tita.”

Malalim ang naiiwang sakit ng pagiging parte ng broken family na marahil ay hindi lubusang maiintindihan ng ilan lalo na sa mga hindi nakaranas ng ganitong sitwasyon.

Hinding-hindi mabubura ang sakit na naiwan nito at ang sugat na naidulot ay hinding-hindi maghihilom kaya maging responsable sana tayo sa mga aksiyon na ating gagawin.

Just a friendly reminder, mga ka-BULGAR.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page