26 pari na nakipag-sex, suspendido
- BRT
- Dec 13, 2019
- 1 min read

Sinuspinde at inalis umano ni Bishop Medel Aseo ng Tagum City ang ilang mga pari sa Diocese of Tagum dahil sa paglabag ng mga ito sa kanilang priesthood.
Sinasabing ang mga pari ay nakalabag sa vow of celibacy o pag-iwas sa pakikipagtalik at pag-aasawa.
Batay sa inilabas na Circular No. 6 na ipinadala sa Parish Priests, Administrators at Chaplains, school principals and administrators at Lay Faithful sa Diocese of Tagum, pinagbawalan ni Medel ang 26 na mga pari na makapagsagawa ng mga aktibidad sa Simbahan sang-ayon sa nakasaad sa Code of Canon Law.
Ayon kay Bishop Aseo, ginawa ang nasabing hakbang para magabayan ang nasabing mga pari lalo na ang pagdalo ng nito sa mga liturgical celebration.





Comments