top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2019 na, pang-80's pa rin daw ang porma… Sigaw ng netizens: Catriona, baduy na Miss Universe!

  • Beth Gelena
  • Dec 13, 2019
  • 2 min read

Photo: IG: krisaquino

Beth Gelena / Bulgary Files

Nag-post si Kris Aquino sa kanyang social media account ng piktyur niya with her two sons na sina Bimby at Joshua kung saan kasama nila ang Wowowin host na Willie Revillame.

Sa isa pang larawan ay sila namang mag-iina with Miss Universe 2017 Catriona Gray.

‘Katuwa ang komento ng mga netizens sa picture nina Kris at Willie na sana raw ay silang dalawa na lang ang maging magkarelasyon. Comment naman ng isang netizen, “Hindi naman yata nila type ang isa’t isa, eh.”

Malapit lang daw si Willie kay Kris dahil sa panganay ng huli na si Josh. Mula kasi nu’ng bata pa si Joshua ay pinapanood na niya ang programa ni Willie, ang Wowowee.

Doon nagsimulang maging malapit si Willie kay Joshua at anak na nga ang turing dito ng Wowowin host.

Hanggang ngayon ay hindi nawawala ang komunikasyon nina Kris at Willie.

Mukhang totoo ang sinabi ng mga netizens na wala nang problema kung ma-link man sa isa’t isa ang dalawang well-known celebrities dahil bukod sa pareho silang loveless ay pabor si Joshua kung sakaling magkaroon ng relasyon ang dalawa at maging si Bimb ay unti-unti na ring nagiging malapit kay Kuya Wil.

Sa piktyur naman kung saan kasama nila ang dating Miss Universe, napuna

ng mga netizens ang kasuotan ni Catriona.

Komento ng mga netizens, “Anuvahyang kabaduyan na suot ni Cat. I love you pero the outfit is hideous.”

“Sino ba ang stylist ni Cat? So 80s to 90s ang laging peg.” Minsan daw kasi, ang mga isinusuot ni Catriona ay parang out of her personality.

But in fairness sa beauty queen, kahit ano ang isuot niya ay maganda pa rin siya.

Anyway, kapansin-pansin ang tangkad ni Bimb. Twelve years old lang siya, pero 5’10" na ang taas.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page