top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

186 drug groups, kumikilos sa ‘Pinas — PDEA

  • V. Reyes
  • Dec 13, 2019
  • 1 min read

Tinutunton na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga aktibidad ng tinatayang 186 lokal na illegal drugs group na kumikilos sa Pilipinas.

“Based on our report, I think, we have about 186 local drug groups in the Philippines,” pahayag ni PDEA Chief Aaron Aquino.

Gayunman, hindi matukoy ni Aquino kung ilan ang matatawag na international drug rings ang nasa bansa ngunit patunay ng presensiya ng mga dayuhang sindikato ang pagkakahuli sa umano’y drug lord na si Hong Liangyi, na itinuturong lider ng Dragon Wu Drug Syndicate.

Binanggit ni Aquino na ang nasabing suspek ay may pinatatakbong drug laboratories sa Ibaan, Batangas; Tagaytay at Malabon.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PDEA sa mga Chinese counterpart nito para habulin ang iba pang miyembro ng Dragon Wu.

Samantala, patuloy nang mino-monitor ng PDEA ang ilang Chinese-looking na mga indibidwal na maaaring nagpapanggap na diver ngunit, may intensiyon na maghanap ng cocaine sa karagatang sakop ng Bicol at Visayas.

“We are now conducting investigations because marami tayong nakikitang mga Chinese-looking persons na nagko-conduct ng diving diyan sa mga areas na ‘yan kung saan ang discoveries ng cocaine pero hindi naman diving sites” ani Aquino.

Kamakailan ay naka-recover ang mga awtoridad ng bloke-blokeng cocaine na nakalutang sa dapat at nakakalat sa dalampasigan ng Camarines Norte, Dinagat Islands at iba pang lugar tulad ng Siargao Island, Surigao del Norte at Quezon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page