Sa 7,353 delegado.. ‘Pinas, kumita ng P523 milyon sa SEA Games
- Madel Moratillo
- Dec 12, 2019
- 1 min read

Aabot sa mahigit kalahating bilyong piso ang kinita ng Pilipinas sa buong panahon ng 30th SEA Games.
Ayon kay Tourism Sec. Bernadeth Romulo Puyat, kung ang pagbabatayan ay ang 7,353 delegado ng SEA Games na dumating sa bansa ay nasa P523 milyon na ang kinita ng banaa.
Sa bilang na ito, hindi pa aniya kasama ang mga nagpunta sa Pilipinas para manood lang ng SEA Games. Ito ay sa kuwenta na kung ang bawat isa ay gagastos aniya ng 100 dollars.
Habang nasa 50 hotel aniya sa National Capital Region, Regions 1 at 3 naman ang tinuluyan ng mga delegado ng SEA Games.
Ayon sa kalihim, inaasahan na mas lalaki pa ang kitang ito ng bansa dahil sa karamihan sa mga ito ay hindi naman agad aalis dahil namamasyal pa sila sa magagandang lugar sa Pilipinas.





Comments