top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Para itigil ang laban sa Dengvaxia.. Pondo ng PAO, tinapyasan!

  • BRT
  • Dec 12, 2019
  • 1 min read

Sa bicameral session kahapon, nagtagumpay ang opposition senator na si Franklin Drilon at minority congressmen sa pangunguna nina Edcel Lagman upang lagyan ng limitasyon sa paggamit ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ang Public Attorney’s Office(PAO).

Binawalan ang PAO na magamit ang MOOE funds sa PAO Forensic Laboratory Division na binubuo ng walong (8) plantilla medical personnel, sa mga meeting at iba pang mga gastusin tulad ng pambayad sa kuryente, tubig, telepono at iba pang mga gamit na kailangan sa pang-araw-araw na gawain ng nasabing tauhan ng PAO.

Naipatanggal din ang P19.5 milyong budget na pambili ng mga equipment.

Tanging “veto” na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-asa para maalis ang limitasyon sa PAO na isiningit ni Cong. Lagman.

Kung hindi ibi-veto ng pangulo ay signal umano ito na mas makapangyarihan na ang mga nasa oposisyon kaysa sa majority at sa Department of Budget and Management (DBM) na naghanda ng president’s budget na nakapaloob sa National Expenditure Program (NEP) 2020.

Para sa mga nag-rally sa harap ng Senado na mga magulang ng mga biktima ng Dengvaxia, ang limitasyon na naisingit ay para ipatigil ang imbestigasyon ng PAO sa kaso na may kaugnayan sa Dengvaxia at ipasara ang PAO Forensic Laboratory Division.

Isang paghihiganti umano ito anila sa mga kasong naisampa na laban sa mga nasa likod ng mass vaccination na ginawa noong 2016-2017.

Dagdag pa nila, ang mga mahihirap na Pilipino ang maaapektuhan sa paghanap nila ng hustisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page