Na-annul na mag-asawa, kailangang sundin ang pagkakahati ng naipundar para sa mga anak bago maging v
Dear Chief Acosta, Nagkaroon na ng decree of annulment ang aking mga magulang. Sila ay magpapakasal na sa kanilang bagong partner, pero hindi nila hinati at inirehistro ang mga maaaring manahin naming tatlong magkakapatid. Magkakaroon ba ito ng epekto sa kanilang kasal? — Nillah
Dear Nillah, Naaangkop sa inyong katanungan ang sumusunod na probisyon ng Family Code of the Philippines:
“Art. 52. The judgment of annulment or absolute nullity of the marriage, the partition and distribution of the properties of the spouses, and the delivery of the children’s presumptive legitimes shall be recorded in the appropriate civil registry and registries of property; otherwise, the same shall not affect third persons.”
Maliwanag na kung magkakaroon ng judgment of annulment o absolute nullity of marriage, kinakailangang mairehistro sa local civil registry ang paghahati ng yaman ng mag-asawa patungo sa kanilang mga anak. Kaugnay nito, nakasaad naman sa Article 53 na walang bisa ang sumunod na kasal kapag hindi nasunod ang mga isinaad na proseso sa binanggit na artikulo:
“Art. 53. Either of the former spouses may marry again after complying with the requirements of the immediate preceding Article; otherwise, the subsequent marriage shall be null and void.” (Binigyang-diin.)
Maliwanag na maaaring maituring na walang bisa ang kanilang magiging kasal sa kanilang mga kasalukuyang partner kung hindi nila ibabahagi at irerehistro ang kani-kanyang legitimes ninyong magkakapatid.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments