top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kalahati ng mga negosyong taxi ng sikat na TV host, colorum lusot sa LTFRB at LTO!

  • Ka Ambo
  • Dec 12, 2019
  • 2 min read

Hindi na sisingilin ng Maynilad at Manila Water ang gobyerno sa bilyong multa.

Linsiyak, binusabos pa ang gobyerno!

◘◘◘

MARAMI nang negosyo ang nagsarado dahil sa kakapusan ng tubig.

Kabilang ang mga karinderya, carwash, laundry shop at iba pang kumukonsumo ng tubig!

◘◘◘

BILYUN-BILYON ang nalulugi sa mga negosyante dahil sa pagrarasyon ng tubig.

Pero, walang multa ang mga water distributors!

◘◘◘

LAMPA ang gobyerno na depensahan ang mga negosyante laban sa hindi patas na pagbebenta ng tubig.

Hindi pa kasama riyan ang napakataas na singil sa konsumo nito.

Ang binubuhay ng mga negosyante ay ang mga distributors ng tubig!

◘◘◘

KAPAG kinastigo ni P-Digong ang dalawang korporasyong nagpapasasa sa tubig ng Angat Dam — lalo siyang hahangaan ng mamamayan.

Walang ibang pangulo ang may kakayahang idepensa ang mga konsiyumer maliban kay P-Digong!

◘◘◘

TUMPAK lang na paliguan ng mura ni P-Digong ang mga korporasyong umaabuso at buwaya sa pagbebenta ng likas na yaman tulad ng tubig.

Walang kakayahan ang mamamayan na makaganti o parusahan ang mga buwayang korporasyon.

Ang “mura ni P-Digong” ay malaking kasiyahan ng milyun-milyong konsiyumer na inaapi at pinagsasamantalahan ng mga dambuhalang korporasyon!

◘◘◘

MARAMI pang korupsiyon sa paligid.

Kabilang sa matindi ang korupsiyon ay sa LTFRB at LTO.

Maraming taxi ang bumibiyahe kahit colorum at walang rehistro!

◘◘◘

KABILANG sa mga may colorum na taxi ay ang Japanese taxi operator na nakabase sa Parañaque City.

Kalahati raw ng units ng taxi operation ng popular na TV host ay colorum.

Pero, bakit hindi sila kinakasuhan ng mga LTFRB at LTO officials?

Tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

ANG ugat ng problema sa bansa ay korupsiyon.

Nagkakamal ng salapi ang mga public officials sa pagkunsinte sa mga tiwaling negosyante!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page