top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Iniong, gold medalist sa 55-kgs kickboxing

  • Gerard Arce
  • Dec 12, 2019
  • 1 min read

Isinipa ni Mixed-Martial Artists Gina Iniong ang ikalawang gold medal ng bansa sa women’s under-55kgs division sa Kickboxing event sa 30th Southeast Asian Games, Martes sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. Hindi umubra ang kalaban ni Iniong na si Apicha Minkhwan ng Thailand, 3-0 para paboran ito ng judges. “Nagbunga naman iyong paghihirap namin sa preparation,” wika ni Iniong.

“Kakaiba rin iyong pakiramdam kasi iba rin ‘yung feeling na lumalaban ka for SEAG at sa loob ng ring,” dagdag nito.

Ipinamalas ng 30-anyos ang matitinding leg kicks at mabibilis na suntok upang maibigay nito ang dalawang knockdown sa unang round sa Thai opponent.

Binigyan ng sakit ng ulo ng pro-fighter na si Su Minkhwan para mahirapan na itong makabawi pa sa sumunod na rounds. Hindi nagawang makapuntos ng Thai fighter sa Filipina kickboxer sa bawat rounds nang makuha ni Iniong ang 2-0, 3-0, at 3-0 victory.

Nauna nang nagbigay ng gold medal si Jerry Olsim sa under 69kgs division nitong nagdaang Lunes. Panalo naman ng bronze medal si Karol Maguide ng men’s under-51kgs full contact category laban kay Phan Cheuangvanheuang ng Lao PRD sa iskor na 2-1.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page