Imbiyerna sa mga kamag-anak na tsismosa
- Roma Amor
- Dec 12, 2019
- 1 min read

Dear Roma, Ako si Eve, 24 years old at panganay. Gusto ko sanang humingi ng payo sa inyo. Nasa abroad ‘yung parents namin kaya ako ang in-charge sa mga kapatid ko na nasa edad 17 at 19. Kamakailan, nag-out of the country kami ng BF ko at pagkabalik ko ay tsismis ang bumungad sa akin. Ang masaklap pa, ‘yung mga kamag-anak pa namin ang nagpasimuno, kesyo winawaldas ko raw ang padala ng parents ko at pinababayaan ko ‘yung mga kapatid ko at kung anu-ano pa. Wala naman sigurong masama sa pagta-travel ko dahil pinaghirapan ko naman ang perang ginastos ko, gayundin, may sarili nang pag-iisip ang mga kapatid ko. Ano ang maipapayo n’yo? —Eve
Eve, Totoo ‘yung sinasabi nila na kapag walang magawa sa buhay ang tao, buhay ng iba ang inaatupag o pinupuna nila. Ang mga ganyang klase ng tao ay hindi dapat pinagtutuunan ng pansin dahil sa totoo lang, hindi ka nila dapat pakialaman, lalo na kung wala kang tinatapakang tao. Ang mabuti pa ay ipagdasal mo sila para magkaroon ng katahimikan ang kanilang isipan at puso. Dedma sa mga chismosa, sis, go lang!





Comments