top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Carry over sa super six last race

  • Ding Taboy
  • Dec 12, 2019
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

Magaganap ngayon ang carry over na P32,121.83 Super Six kasabay ng Additional One Win in Group Races sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite ngayon gabi.

Kasabay nito magaganap din ang WTA at Pick 6, Pick 5 at Pick 4 kasunod ang Trifecta, Quartet at Pentafecta. Tatawirin ang mga kalahok sa distansiyang 1,300 meters sa Group, Condition at Group Race Merged. Sa Race 1, magaganap ang WTA kasama ang Trifecta at Quartet, ipinapatok ang Apple Du Zap.

Sa Race 2, panimula ng Pick 6 kasabay ng Trifecta, Quartet at Pentafecta na paglalabanan ng mga kalahok na Amazing Cole, Apo Island, Allbymyself at I Don’t Mind. Sa Race 3, magsisimula ng Pick 5 ipinapatok ang Always On Time habang makakalaban ang Hard Work Classic at Dimakya Island.

Sa Race 4, simula ng Pick 4, nakalalamang ang Couple Entry na Stravinsky at Fort Mckinly makakalaban ang El Mundo at Misha. Sa Race 5, nakalalamang ang Early Bird habang ang mga kalahok na Hidden Moment, Love Affair at Dedication ang maglalaban sa Forecast, Trifecta, Quartet at Pentafecta.

Nakalalamang ang Zapima habang ang Standout, Dream Lover, Hurricane Ridge at Show Off ay sa Trifecta at Quartet sa race 6. Nakalalamang ang Full Steam, habang ang The Accountant at Sky Hook ang makakalaban sa Race 7 at magiging paratingan sa WTA, Pick 6, 5 at Pick 4.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page