top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

“This SEAG gold is special to me,” - Coach Tim Cone

  • A. Servinio
  • Dec 12, 2019
  • 2 min read

Kinumpleto ng Gilas Pilipinas ang makasaysayang pagwalis ng apat na ginto sa 30th Southeast Asian Games matapos gibain ang Thailand, 115-81, sa harap ng mahigit 12,500 na tagahanga sa Mall of Asia Arena noong Martes ng gabi. Ito na ang ika-18 na ginto ng bansa buhat noong 1979 at kasunod nito ang mga tagumpay ng Lady Gilas at mga koponan sa bagong disiplina ng 3X3.

Dalawang beses lang nakatikim ng lamang ang mga Thai at ang huli nito ay 7-6 na sinagot ang 11 sunod-sunod na puntos. Tila maagang nawalan ng gana ang mga bisita at lumobo hanggang 36 puntos ang lamang sa huling quarter, 104-69.

Inilabas ni PBA MVP June Mar Fajardo ang kanyang bagsik sa ilalim sa pamamagitan ng 17 puntos at 13 rebounds sa loob ng 22 minuto lamang sa sahig. Anim na iba pang kakampi ang nagtala ng 10 o higit pang puntos sa lalim ng koponan ni Coach Tim Cone. “I won PBA championships but this gold medal is special, not everyone gets a gold medal,” wika ni Coach Cone. “This is a one and done job for me, I don’t know what’s next but I will always cherish working with the best players in the PBA.”

Sa sobrang dominante ng Gilas, 113.6 puntos ang average nila sa limang panalo at tinatalo nila ang kalaban ng 44.6 puntos. Si Vic Manuel ang numero unong tagapuntos sa 15.6, si Fajardo sa rebounds na 10.0 at Chris Ross sa assist na 7.6.

Nakuha ng pinakabagong Gilas ang paghanga ng orihinal nilang coach na si Rajko Toroman na gumabay sa Indonesia ngayong SEA Games. “I think this team is better than the team that played in the FIBA World Cup, the chemistry is better,” wika ni Toroman, matapos talunin ng Gilas ang kanyang koponan sa semifinals noong Lunes, 97-70.

Babalik na ang mga bituin sa kanilang mga koponan sa PBA at ang iba ay maghahanda na para sa Governors Cup semifinals ngayong linggo. Ang susunod na malaking palaro ng Gilas ay ang qualifiers para sa 2021 FIBA-Asia Cup ngayong darating na Pebrero, 2020 kung saan nabunot sila sa grupo na kasama ang Thailand, Indonesia at Timog Korea.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page