Taas-singil ng Meralco, pambuwisit imbes pamasko
PAMASKO NG MERALCO SA PUBLIKO, TAAS-SINGIL SA KURYENTE—Inihayag ng Meralco na magtataas sila ng P0.304/kwz sa singil sa konsumo sa kuryente ngayong Disyembre.
‘Yan ang bad na pamasko ng Meralco sa publiko, buwisit!
◘◘◘
WALA PALANG SILBI SA MAHIHIRAP NA MAY SAKIT ANG UNIVERSAL HEALTH CARE—Sa survey ng Pulse Asia, 99% daw sa mga may sakit na mahihirap na pamilyang Pinoy ang nagsabing hindi nila nabibili ang mga iniresetang gamot sa kanila ng mga doktor dahil sa may kamahalan ang presyo. At kinumpirma ito ng Department of Health (DOH).
Dahil d’yan, lumalabas na wala palang silbi ang nilagdaang batas ni P-Duterte na Universal Health Care kasi reseta lang pala at hindi gamot ang ibinibigay sa mga mahihirap na may sakit na nagpapakonsulta sa mga public hospitals, hu-hu-hu!
◘◘◘
ANO ANG MOTIBO NG GOBYERNO, BAKIT AYAW NILANG PAPASUKIN ANG MGA RESIDENTE SA MARAWI CITY?—Nagsampa na ng kasong class suit laban sa gobyerno ang mga residente ng Marawi City dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin daw sila pinapayagan ng pamahalaan na pumasok sa Marawi City upang ayusin ang kanilang bahay na nawasak sa giyera.
Tama ang desisyon na ‘yan ng mga taga-Marawi City na kuwestiyunin na sa korte ang tungkol sa isyung ito kasi mahigit dalawang taon nang tapos ang giyera sa lungsod, pero kataka-taka na ayaw pang payagan ng gobyerno na makauwi sa kanilang mga bahay ang mga biktima ng giyera sa Marawi, period!
◘◘◘
3 SMUGGLING QUEENS, PATULOY NA NAMAMAYAGPAG SA CUSTOMS—Hindi pa rin daw naglulubay sa pagpupuslit ng mga epektos ang tatlong tinaguriang smuggling queens ng Bureau of Customs na sina “Tina U”, “Kimberly” at “Big Mama”.
Ano kaya ang dahilan at hindi magawa ng mga tauhan ni Comm. Rey Leonardo “Jagger” Guerrero na “tokhangin” ang tatlong bebot na smugglers sa Adwana, buwisit!





Comments