top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pantanggal-stress at tamang bonding time ng pamilya... Mga patok na pasyalan ngayong pasko

  • Twincle Esquierdo
  • Dec 11, 2019
  • 2 min read

Iba’t iba ang paraan ng mga Pinoy pagdating sa pagdiriwang ng Pasko. May mga kinakarir ang paglilibot para makarami ng regalo at meron namang pumupunta sa iba’t ibang pasyalan o nag-a-out-of-town kasama ang pamilya.

Iba’t iba man tayo ng nakasanayang gawin, narito ang ilang pasyalan na puwede n'yong puntahan ngayong Pasko kasama ang inyong pamilya, kaibigan o karelasyon:

1. Rainforest Park. Mas kilala ito sa tawag na Rave Park at isa sa mga pinakamalaking adventure park sa Pilipinas. Mayroon itong 7.2 hectares kaya lahat ng gusto n'yong makita at ma-experience ay nasa kanila na tulad ng swimming, nature tripping at marami pang fun adventures. Ang maganda pa rito ay libre ang entrance, ngunit paalala lang sa mga pupunta, magkaroon ng checklist ng mga bet n'yong gawin at bawal magkalat dito.

2. Art in island Museum. Iba’t ibang malalaking 3D paintings ang makikita rito at limitado sa isa hanggang dalawang oras ang picture-taking, gayundin, kailangang nakamedyas kapag naglibot dito. Ang entrance fee ay nagkakahalagang P400 sa PWDs, senior citizen at estudyante, habang P500 naman sa adults at libre ang mga batang 3 ft. pababa. Tiyak na magugustuhan n'yo ito at sulit ang entrance fee na babayaran ninyo.

3. Washington syclip park. Ito ay pribadong pag-aari, ngunit bukas sa publiko at matatagpuan sa Legaspi Village, Makati. Makikita rito ang koi lake, malalaking puno, gazebos at stone carver na gawang Pinoy, gayundin may fountain na may kasamang music. Napananatili ang kagandahan ng lugar dahil sa pagiging masunurin ng mga bumibisita rito. Alam na!

4. SandBox at Alviera, Pampanga. Hindi ito kalayuan sa Maynila. Hamunin ang sarili at subukan ang mga adrenaline-pumping rides gaya ng giant swing, roller coaster zipline, all-terrain vehicle (ATV), Utility Task Vehicle (UTV) at marami pang iba. Siguradong mag-e-enjoy kayo sa activities na gusto n'yong gawin dahil maraming puwedeng makita at ma-experience tulad ng rides at iba pa. Magandang pagkakataon din ito para labanan ang takot sa heights o rides. He-he-he!

5. Republic Wake Park, Nuvali, Laguna. Gusto mo bang maging adventurous? Pumunta ka sa Republic Wake Park sa Nuvali para mag-wake boarding. Marami na tayong kakilala na nasubukan ito at nag-enjoy. Huwag kang mag-alala kung baguhan ka lang dito dahil nagbibigay sila ng training courses para sa mga first timer. Wow!

Mga ka-Bulgar, ilan lamang ito sa mga sikat na pasyalan tuwing Kapaskuhan kaya lubos-lubusin natin ito. Ngayong Pasko, mag-relax at mag-enjoy tayo kasama ang ating pamilya at puntahan ang mga lugar na ito. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page