BF, parang bata raw… Liza, ipinagsigawang mas magaling siyang humalik kesa kay Enrique
Beth Gelena / Bulgary Files

Walang kagatul-gatol na sinabi ni Liza Soberano na siya ang mas magaling sa kissing scene nila ni Enrique Gil sa kanilang bagong teleserye.
Pag-amin ng Kapamilya actress, “Sa kissing scene, ako ‘yung mas magaling.”
Mas komportable raw siya kapag kahalikan ang boyfriend. Pero trabaho lang naman daw ang lahat.
Parang binuska pa ng aktres ang kanyang boyfriend. Sinabi kasi niyang ang halik ni Enrique ay parang pang-Grade 2.
Sabi ni Liza, “Kapag sa eksena lang ‘yun. Kasi naalala ko talaga sa Alone Together. Kasi may scene na nasa park kami sa New York, talagang sabi niya sa akin, ‘Iki-kiss na kita, iki-kiss na kita,’ natakot siya dahil nandu’n si Tito Ogie (Diaz), nakabantay. Tapos paulit-ulit kami dahil ayaw niya akong i-kiss.”
Pag-amin naman ni Enrique, kinakabahan daw kasi siya.
Ang bagong teleserye ng LizQuen ay mapapanood na next year titled Make It With You.





Comments